Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw araw. Ito ang ginagamit natin upang maibahagi ang nais sabihin ng ating kaisipan kaya naman napakaimportante nito sa atin sapagkat ito ang ating nagiging tulay upang magkaintindihan at makipagugnayan sa isa't isa.Ang saliksik naman o ang tinatawag nating "research" sa ingles ay isa sa pinakamahalagang elemento ng pagpapaunlad ng kaalaman.
Tuwing buwan ng Agosto, ipinapagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na ito ay" Filipino: Wika ng Saliksik". Ito ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.Ibig sabihin nito ay maaari nating gamitin ang ating sariling wika na Filipino upang maging instrumento sa mahusay na pagsasaliksik. Sa pamamagitan nito mabilis lang nating maipapahayag ang nilalaman ng ating mga isip sapagkat wika naman natin ang ating ginagamit. Nagiging komportable rin tayo sa pagbabahagi ng ating mga kaalaman dahil sa paggamit ng sariling wika. Mabilis rin tayong magkaintintidihan sa isa't isa. At syempre, makatutulong rin tayo sa pagpapaunlad ng ating bansa.
Kaya't tayo na at makiisa. Atin nang gamitin ang wikang Filipino sa pagpapalawak ng ating karunungan at sa pag asenso ng ating bayang minamahal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kannawidan Festival 2019
Ilocos Sur is a beautiful province located in the northern part of Luzon. It is a province rich in culture that represents the ancient Span...
-
On July 23, 2018, the President of the Philippines delivered his third State of the Nation Address. He delivered accomplishments and plans t...
-
Food. Food is life they say. without food we can't live. That's why food is very important to us. But, what if that food w...
-
During the first quarter in our subject in ICT, I have learned a lot about internet. On what does it mean, what does it do, what its history...
YES YES! ASENSO PILIPINAS!
ReplyDelete