Monday, December 3, 2018

Bata bilang Pag-asa

        Sabi nila ang pagkakaroon daw ng anak ang pinakamagandang biyaya na pinagkaloob ng Diyos sa mag-asawa kaya naman lubos ang pagmamahal at pag-aaruga nila sa kanilang mga anak.Ngunit, hindi lahat natutuwa sa pagkakaroon ng anak. Hindi lahat itinunuring itong biyaya.
        Sa panahon ngayon, marami na ang mga naabusong bata. Marami na ngayon ang pakalat kalat lang sa lansangan, namamalimus upang may makain. Marami na ngayong mga batang naghihirap dahil sa ka-iresponsable ng mga magulang. Maraming mga bata ang nawawalan ng pangarap. Maraming nawawalan ng pag- asa pang mabuhay dahil na rin sa kagagawan ng kanilang mga magulang. Kung patuloy itong mangyayari, paano na lang ang kinabukasan ng mga bata? Hindi lang naman sila ang nahihirapan kundi tayo ring lahat na nahubuhay sa mundong ito.
       Sabi nga nila kabataan ang pag-asa ng bayan. Na ang kabataan ang siyang magtataguyod ng ating bansa. Ngunit, dahil sa patuloy na pang- aabuso sa kanila, tila ba nag- iiba na rin ang pananaw nila sa buhay. Marami sa kanila ang lumalaking bastos at patiwakal dahil sa kapabayaan at kakulangan ng pag- aaruga ng mga magulang. Minsan, dahil sa takot nila, hindi nila masabi ang kanilang mga saloobin o hinanakit sa kanilang mga pamilya. Tinatago nila ito at minsan ay umaabot sa pagpapakamatay. Paano nalang ang mga susunod pang henerasyon? Kung ganitong mga karanasan ang nangyayari ngayon sa mga kabataan, posibleng mangyari rin ito sa mga susunod pang henerasyon at kailanman hindi tayo uunlad dahil unti unti rin lang namang nawawala ang mga bata na nagsisilbi sana nating pag-asa para bumangon.
       Kaya naman nararapat lang na mabigyang hustisya ang mga bata. Tama na ang pang- aabuso. Lahat tayo ay mga anak ng Diyos. Wala tayong karapatang saktan o pagkaitan ng buhay ang sino man sa Kanyang nilikha. Nararapat lang na ipakita ng mga magulang sa kanilang mga anak ang tunay na pagmamahal at pag- aaaruga nang sa ganon ay maging mabuting halimbawa rin sila sa hinaharap.

No comments:

Post a Comment

Kannawidan Festival 2019

Ilocos Sur is a beautiful province located in the northern part of Luzon. It is a province rich in culture that represents the ancient Span...